Atlast!

Oh yes! Atlast! Nakahanap narin ng school na papasukan dito. Which means, di na ako uuwi ng Pinas \o/ Grabe lang. God’s blessing talaga :D

I’m very thankful kasi, atlast, nakahanap narin ng school. Hirap kaya mag hanap! Haha.

Actually, the day before yesterday, napaguusapan nang uuwi ako ng Pinas for college. You know, mixed yung opinions and ideas ng parents and sibling ko; na mas maganda raw dito, and mas maganda ung benefits pag dito nakapasok, which is totoo naman. Natatakot narin kasi ako sa Pinas, lalo na yung mga nangyayari, tsaka ung environment ba? Yung mga taong nakapaligid. Haha. Although nag study ako sa Pinas starting Nursery to Grade 3. Syempre, maliit pa ako nun. Alagain pa. Pano pa kaya pag umuwi ako dun? Ako lang mag isa? Haha. Dito sa UAE, Sanay na ako eh. :D

Nakakainis lang dati. Dati kasi naghanap pa kami ng papasukan ko for Grade 10, 11 & 12. Yung tipong nagpakanda hirap hirap kami sa pag hahanap ng school, tapos normal problems pa ay: no more slots, I need to repeat grade 10 to have a spot in grade 11, recommendation letters from the KHDA, and etc. 

Buti nalang tinawagan ko yung college na papasukan ko. Good news naman, tumatanggap pala sila ng students coming from Filipino Schools. So pag graduate ka raw sa isang Fil School, you can go directly apply for their Foundation Program. Hihihihi.

Which meaaaaaaaans, di ko na kailangan mag SAT/IELTS/TOELF, or may Mock Exams/Boards. \o/

I’m just soooo thankful and feeling blessed. Thank you, Papa Jesus! <3