Ang weird kanina nung pauwi ako :(

Pumasok kasi ako ng CR, nung nasa metro station na ako, tapos may lalaki dun sa loob ng cr, malapit sa entrance. Nung pumasok na ako dun, bigla akong sinundan nung lalaki hanggang sa makapasok ako sa isang cubicle, pero di siya pumasok sa loob. BAKIT KO NAMAN SIYA PAPAPASUKIN SA LOOB?! Tapos tumingin siya sakin. O_O

So siyempre, nag panic ako. First time yun eh. Unusual happenings. Dapat kasi magpapalit ako ng damit, sa sobrang pawis ko na kakalakad. Haha!

So ayun. Medyo kinabahan ako habang nasa loob ng cubicle. Kala ko kasi nag aabang siya sa labas for some shit. So sa sobrang kaba ko, di na ako nag palit ng damit at lumabas nalang. Buti nalang wala na siya pag labas ko. Pumasok yata dun sa katabing cubicle. So madali akong lumabas at pag dating ko sa labas, nilagyan ko nalang ung likod ko ng towel.

Yun lang. KDOTBYE. 

Posted on Thursday, June 7th at 11:19PM

tagged as: personal,